Categories
Law School Stories

#LSBencourage Story 4

“Ang paglaban nga sa Cancer hindi mo sinukuan, ang pagiging abogada pa kaya?”

#LSBencourage #truestory4

Welcome to the second story feature of “Law School Buddy: ENCOURAGE” where we share some of the most inspiring, encouraging, and heartwarming stories of our friends inside and outside of law school. Here’s the story of a working student who defeated cancer, lost a family member in her journey of taking the Bar.

————-

Inaalagaan ko ang may sakit kong Ina nung araw na lumabas ang result ng 2018 Bar Exams. Nagsimba pa ako nuon para “advance” magpasalamat sa resulta.  Dumating ang resulta, wala ang pangalan ko. Iyak ako ng iyak. Mas masakit pa ‘to kesa sa naramdaman ko nung nadiagnose ako ng Cancer few years back. Mas masakit na makita yung nanay mo na naniniwala sa “galing” mo pero bigo dahil hindi kasama sa listahan ang pangalan mo. Mas malakas ang iyak nya. Mas masakit yung pagkabigo nya sa pagkabigo ko plus may sakit pa sya. 

Ang sabi nya lang “Ang paglaban nga sa Cancer hindi mo sinukuan, ang pagiging abogada pa kaya? Hindi dyan natatapos ang laban mo anak. Take ka ulit. Pagtutulung tulungan natin ang review. Papasa ka na sa susunod. “ 

I hold on to that statement. 2019, hindi ako nakapagtake. That same year, pumanaw ang nanay ko na number 1 supporter ko.  I quit my job comes 2020. Nagreview ako. Lahat ng mga HINDI ko ginawa nung 2018 bar review, ginawa ko. Sobrang daming sakripisyo kasama pa ang stress ng pandemic. Pero hindi natuloy ang bar. 

Heto ako ngayon, tinigil muna manood ng lecture. Nagsusulat para malaman ng lahat na hindi pa huli ang lahat. Oo, nakayanan ko madefeat ang cancer, kakayanin ko din maging abogado. Wala na sa tabi ko ang nanay ko, pero andito pa ang pangarap ko. Ang determinasyon na kunin ang titulo na pinaghirapan namin ng nanay ko. Hindi ako susuko, sana kayo din. 

Abogado na ako sa 2022. 

————-

Be part of LSB: Encourage by sending your stories through private messages on Facebook, Instagram, or Twitter. You can also send us an email at admin@lawschoolbuddy.info

We look forward to sharing your stories to everyone here at Law School Buddy! 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *