Categories
LSB Encourage Life Blog

#LSBencourage Story 4

#LSBencourage #truestory4

“Ang paglaban nga sa Cancer hindi mo sinukuan, ang pagiging abogada pa kaya?”

Welcome to the second story feature of “Law School Buddy: ENCOURAGE” where we share some of the most inspiring, encouraging, and heartwarming stories of our friends inside and outside of law school. Here’s the story of a working student who defeated cancer, lost a family member in her journey of taking the Bar.

————-

Inaalagaan ko ang may sakit kong Ina nung araw na lumabas ang result ng 2018 Bar Exams. Nagsimba pa ako nuon para “advance” magpasalamat sa resulta.  Dumating ang resulta, wala ang pangalan ko. Iyak ako ng iyak. Mas masakit pa ‘to kesa sa naramdaman ko nung nadiagnose ako ng Cancer few years back. Mas masakit na makita yung nanay mo na naniniwala sa “galing” mo pero bigo dahil hindi kasama sa listahan ang pangalan mo. Mas malakas ang iyak nya. Mas masakit yung pagkabigo nya sa pagkabigo ko plus may sakit pa sya. 

Ang sabi nya lang “Ang paglaban nga sa Cancer hindi mo sinukuan, ang pagiging abogada pa kaya? Hindi dyan natatapos ang laban mo anak. Take ka ulit. Pagtutulung tulungan natin ang review. Papasa ka na sa susunod. “ 

I hold on to that statement. 2019, hindi ako nakapagtake. That same year, pumanaw ang nanay ko na number 1 supporter ko.  I quit my job comes 2020. Nagreview ako. Lahat ng mga HINDI ko ginawa nung 2018 bar review, ginawa ko. Sobrang daming sakripisyo kasama pa ang stress ng pandemic. Pero hindi natuloy ang bar. 

Heto ako ngayon, tinigil muna manood ng lecture. Nagsusulat para malaman ng lahat na hindi pa huli ang lahat. Oo, nakayanan ko madefeat ang cancer, kakayanin ko din maging abogado. Wala na sa tabi ko ang nanay ko, pero andito pa ang pangarap ko. Ang determinasyon na kunin ang titulo na pinaghirapan namin ng nanay ko. Hindi ako susuko, sana kayo din. 

Abogado na ako sa 2022. 

————-

Be part of LSB: Encourage by sending your stories through private messages on Facebook, Instagram, or Twitter. You can also send us an email at admin@lawschoolbuddy.info

We look forward to sharing your stories to everyone here at Law School Buddy! 

See other stories here:

https://lawschoolbuddy.info/lsbencourage

Categories
LSB Encourage Life Blog

#LSBencourage Story 3

#LSBencourage #truestory3

Twice a flunker, now a bar passer!

2017:

Nagenrol ako sa isang review center sa Manila pero less than two months before the Bar namatay ang Papa ko due to cardiac arrest kaya umuwi ako sa amin. Sobrang depressed ko noon at parang nawala lahat ng nireview ko pero naglakas loob pa rin akong bumalik sa Manila noong bar exam month. Hindi ako pumasa.

2018:

Nagdecide akong magself-review at magtake ulit kahit na hindi pa ako totally healed emotionally and mentally dahil sa biglang pagkawala ng Papa ko. Hindi pa rin ako pumasa.

2019:

Nagenrol ako sa isang review center sa Baguio pero twice lang ako umattend. Hindi ako makapag-focus dahil di ko matiis ang electrifying pain sa kaliwang pisngi ko. Thrice na din akong nagka-seizure kaya umuwi na lang ako sa lugar ng mister ko at doon ako nagself-review.

Trigeminal Neuralgia po ang diagnosis nila sa akin and I was taking anti-epileptic medications that time which made me drowsy all the time.

April 29, 2020: Pinagbigyan na din ako ni Lord.

“NAKAKATAKOT BUMAGSAK PERO MAS NAKAKATAKOT SUMUKO…”

  • twice a flunker, now a Bar passer

———

Welcome to the story feature of “Law School Buddy: ENCOURAGE” where we share some of the most inspiring, encouraging, and heartwarming stories of our friends inside and outside of law school. 

Be part of LSB: Encourage by sending your stories through private messages on Facebook, Instagram, or Twitter. You can also send us an email at admin@lawschoolbuddy.info

We look forward to sharing your stories to everyone here at Law School Buddy! 

See other stories here:

https://lawschoolbuddy.info/lsbencourage

Categories
Life Blog LSB Encourage

#LSBencourage Story 2

#LSBencourage #truestory2

Welcome to the second story feature of “Law School Buddy: ENCOURAGE” where we share some of the most inspiring, encouraging, and heartwarming stories of our friends inside and outside of law school. Here’s the story of someone who failed the #Bar2019 exams but promises herself to never give up.

———-

Never give up Never surrender!

April 29, 2020, I can say na ito yung pinakamalungkot na araw in my 30 years of existence! I failed the Bar exam! On April 28,2020, my daughter who is only 6 years old asked, mama attorney ka na bukas? I just smiled and silently prayed na please Lord gawin mo akong abogada bukas. Here comes, April 29,2020 wala akong pangalan sa list of new lawyers.

Sobrang lungkot and sakit yung naramdaman ko. Gusto kong magwala pero diko magawa.  Naupo lang ako and silently asking God WHY? Ginawa ko naman lahat, sinusunod naman kita? Bigla na lang tumakbo  papunta sa akin yung 2 years old niece ko na naglalaro and niyakap ako ng mahigpit, medyo gumaan pakiramdam ko that time pero masakit pa din loob ko. Nagtampo talaga ako kay Lord.

Habang pinipigilan kong umiyak, sabi ko sa anak ko and 4 years old pamangkin, hindi ako pumasa. Umiyak silang dalawa pero mas grabe iyak ng pamangkin ko so i need to comfort her. Yung feeling na kailangan mo ng comfort pero you need to comfort others. Di ko na maalala kung paano ko kinaya yun. 

Earier today, parang bumalik yung feeling na sobrang down ko, sabi ko bakit kaya? Wala naman akong pinagdadaanan. Tapos nakita ko shared memories ng mga kakilala kong pumasa sa bar. Kaya pala!! Sana tuluyan na akong makapag move on! Sana bumalik yung sipag ko para makapag Bar na din next year!! Bumagsak ako pero papasa tayo! Sama ko self ko, gusto ko talagang maging abogada!

Non Desistas Non Exieris!

-probinsyana, bumagsak pero papasa.

———-

Be part of LSB: Encourage by sending your stories through private messages on Facebook, Instagram, or Twitter. You can also send us an email at admin@lawschoolbuddy.info

We look forward to sharing your stories to everyone here at Law School Buddy! 

SEE OTHER STORIES HERE: https://lawschoolbuddy.info/lsbencourage

Categories
LSB Encourage Life Blog

#LSBencourage Story 1

#LSBencourage #truestory1

Welcome to the first story feature of “Law School Buddy: ENCOURAGE” where we share some of the most inspiring, encouraging, and heartwarming stories of our friends inside and outside of law school. Here’s the story of Dio and his dream of becoming a lawyer.

I’m a grade 10 student and from nursery leading up to this month I have always wanted to be a dentist. But when the time came where my peers asked me what strand I was going to take, I chose ABM over the expected choice which was STEM.

It was quite a hard decision to make since throughout my life I was always expected to be a dentist, that is what I also thought to myself throughout my life.

However, I had no talent or pure skill in drawing or aesthetics. Instead, I was quite competent in linguistics and speeches. I pictured alternate versions of myself pursuing different careers. Sadly, I couldn’t see a future where I would become a very competent and successful dentist.

The only thing I saw was me speaking in front of a jury where I prattled on about a case. The career that I envisioned was law.

This realization ultimately helped me make my choice to choose ABM over STEM since I want to take BS in Accountancy as a preparatory course for law.

Hopefully, I have made the right decision and I will do my best to achieve this dream of mine.

Godbless and take care for everyone pursuing the things they want most in life! – Dio

Originally published as a comment in LSB YouTube Channel, April 2021

Be part of LSB: Encourage by sending your stories through private messages on Facebook, Instagram, or Twitter. You can also send us an email at admin@lawschoolbuddy.info.

We look forward to sharing your stories to everyone here at Law School Buddy!

SEE OTHER STORIES HERE: https://lawschoolbuddy.info/lsbencourage